CAUAYAN CITY – Umabot na sa 40 percent at inaasahang matatapos ngayong 2019 ang pagsasaliksik at pag-imbento ng Department of Science and Technology o DOST sa instrumento para matukoy ang vibrations ng gusali at tulay upang malaman kung gaano ito katatag mula sa lindol.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na kabilang sa kanilang sinasaliksik ang instrumento para mamonitor ang vibrations ng mga tulay at mga gusali upang matukoy kung gaano katibay ang isang istraktura.
Ayon kay Dela Penia, katuwang nila ang Department of Public Works and Highways, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, isang university, upang mabuo ang local version ng instrumento.
Kung maaalala, magkasunod na malakas na lindol ang tumama sa bansa nitong Lunes at Martes kung saan unang naitala ang magnitude 6.1 na ang sentro ay sa Zambales habang kinabukasan ay ang magnitude 6.5 sa bahagi naman ng Samar.