Iniulat ngayon ng Insurance Commission (IC) na bumuo na ito ng project audit teams para sa maayos na financial accounting ng insurance contracts ng Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at ang Social Security System (SSS) sa ilalim ng Philippine Financial Reporting Standards 4 (PFRS 4).
Ayon sa Insurance commission ang kanilang hakbang para matiyak na ang insurance institutions ay gumamit ng tamang globally accepted
Philippine Financial Reporting Standards 4 jasunod an rin ng utos ng Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III.
Una rito si Sec Dominguez ang nag-utos sa IC upang imonitor ang compliance ng GSIS, PhilHealth, at SSS.
Kaugnay nito ang audit teams ay amgsisimula ng pag-audit sa GSIS sa buwan ng July, habang ang SSS ay isasagwa ang audit sa September at sa PhilHealth naman sa October.