-- Advertisements --
Tiniyak ng Insurance Commission (IC) na bibilisan ng mga private insurers ang pagpapalabas ng mga claims at mga loans ng mga miyembro na naapektuhan ng bagyong Odette.
Sinabi ni Insurance Commissioner Dennis Funa na kanila ng inatasan ang mga life at nonlife insurance company na agad na iproseso ang mga claims.
Dagdag pa nito na kapag may mga insurance coverage ang mga naapektuhan ng bagyo ay agad nila itong ipapalabas.
Sakop rin ng microinsurance products ang mga pananim na nasalanta ng nasabing bagyo.
Bukod pa dito ay kasama rin sa insurance na agad na bibigyan ng mabilis na release ng claims ang mga properties at mga sasakyan na mayroong insurance ay sakop din nito.