Higpitan ang seguridad sa mga police station at palakasin ang intelligence monitoring para mapigilan ang anumang planong pag-atake na posibleng ilunsad ng mga teroristang grupo.
Ang direktiba ni PNP chief ay kasunod ng insidenteng pag-atake sa Parang Municipal Station sa Sulu kung saan dalawang pulis ang nasawi at dalawang iba pa ang sugatan.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, inatasan ni PNP chief ang lahat ng police units lalo na sa mga lugar na mayroong presensiya ng teroristang grupo na maging alerto para mapigilan ang anumang pag-atake.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Sulu PNP hinggil sa pananalakay ng hinihinalaang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf sa Parang Municipal Police Station.
” Inatasan ang mga police stations na panatilihin ang pagiging alerto at mapagmatyag, palakasin ang kanilang defenses at monitoring para mapigilan ang mga posiblng pag-atake,” pahayag ni BGen. Banac.
Pinasisiguro ni PNP chief sa mga police commanders na hindi na maulit pa ang insidente ng pag-atake kahalintulad sa insidente sa Parang, Sulu.
Nais din ni Gamboa na paiigtingin pa ang law enforcement operations sa kani-kanilang mga areas of responsibility.