KORONADAL CITY – Patay ang isang Intel-officer ng rebeldeng NPA habang arestado naman ang tumatayong finance officer ng mga ito sa magkasunod na operasyon na inilunsad ng mga otoridad sa bayan ng Polomolok South Cotabato.
Kinilala ni PLt. Redin Cuevas, deputy chief of police (DCOP) ng Polomolok MPS ang nasawi na si John Omega Nerbis,Alyas”Parts”,”Bords”,Albay”, pansamantalang nakatira sa Block4,Londres Village, Brgy.Cannery Site,Polomolok,South Cotabato at isang intelligence officer ng CPP-NPA Komisyon Mindanao (KOMMID) at kasapi ng Regional Operations Command ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA.
Ayon kay Cuevas, magsisilbi sana ang mga otoridad ng warrant of arrest laban sa suspek sa kasong robbery extortion, kidnapping at Serious Illegal Detentio ngunit sa halip na sumuko nanlaban ito kaya’t napatay ng mga otoridad.
Nakuha sa nasawing opisyal ng NPA ang isang caliber 45 at mga bata kasama na ang mga propaganda materials.
Si Nerbis ay sangkot din sa isinagawang pagsalakay ng mga rebelde sa Magpet police station noong 2005, Sangcapan PNP Station on 2007 at Banay-Banay PNP noong 2008 gayundin ang serye ng pagsalakay sa repacking station ng SUMIFRU sa Makilala Nort Cotabato noong 2009.
Samantala, arestado naman si Pamela Anoya Guides-Peñaranda Alias “Manang Yani/Melai”, secretary ng Davao City Urban Committee (DCUC) at isang finance officer ng SMRC-NPA sa isinagawang implementasyon ng warrant of arrest sa kasong murder laban sa suspek.
Narekober sa posisyon ng suspek ang ilang mga dokumento, electronic wires at 2 IED.
Sa ngayon , nasa kustodiya na ng Polomolok MPS ang nahuling suspek at nakatakdang sampahan ng patong-patong na kaso.