-- Advertisements --

‘Intellectual property’ ng isang pelikula dapat respetuhin at hindi dapat magpa-apekto kung hindi naman totoo – Rama
Unread post by bombocebu » Thu Aug 04, 2022 5:05 am

CEBU – Hindi dapat maging ‘judgmental’ at dapat igalang ang ‘intelektwal property’ ng isang pelikula.

Ito ang pahayag ni LCP President at Cebu City Mayor Michael Rama kaugnay sa kontrobersyal na trailer ng ‘Maid in Malacañang’ kung saan nakita ang isang kamukha ni dating Pangulong Cory Aquino kasama ang mga madre ng Carmelite Monastery na naglalaro ng mahjong.

Sinabi ni Mayor Rama na kung hindi ito totoo ay hindi nararapat na maapektuhan at walang sinuman ang nararapat na magalit.

Dagdag pa ng opisyal, may movie board para manood ng pelikula bago ito ipalabas, kaya naniniwala siyang walang ‘offensive’ kung kaya’t ipinakikita ito sa publiko.

Sinabi ni Rama na kailangang tingnan ang kabuuang larawan ng pelikula at huwag tumalon sa konklusyon.