Nananatiling nakatayo ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na may protected intellectual property (IP) at positive branding strategies.
Ito ay sa kabila ng sunod-sunod na pagsasara at pagkalugi ng mga negosyo sa unang taon ng coronavirus pandemic sa bansa.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Special Concerns and Trade Promotions Group Undersecretary Abdulgani Macatoman, sa pamamagitan ng e-commerce ay mas marami pang potential customers sa international market ang naaabot ng MSMEs.
Hindi lang aniya naging paraan para manatiling buhay ang mga negosyo ngunit naging daan din ito upang tulungan ang MSMEs na palawigin ang kanilang market.
Sa kabila nito ay hindi pa rin daw makakaila na may ilang pagsubok na kaakibat ang oportunidad na ito, partikular na ang hindi patas na kompetisyon mula sa mga copycats sa tuwing inilalabas na ng MSMEs ang kanilang produkto sa merkado.
Batay sa pagtataya ng Organisation for Economic Cooperation and Development, aabot ng P24 trillion noong 2016 ang nabebenta ng mga pekeng produkto, katumbas ito ng 3.3 percent ng total trade sa parehong taon.
Inaasahan na tataas pa ang nasabing halaga dahil malaki umano ang naging ambag ng coronavirus pandemic sa acceleration ng e-commerce sa bansa.
Sa Pilipinas lang ay iniulat ng Intellectual Property Office of the Philippines na tumaas ng 121 noong 2020 ang counterfeit at piracy complaints, nalagpasan nito ang 100 reports at reklamo na natanggap ng IPOPHL mula 2016 hanggang 2019.
“IP stands as a protective guard to the activities in the e-commerce arena. As such, IP protection must be at the forefront of MSME business strategies more than ever,” dagdag pa ni Macatoman.
Habang inaaral pa ng mga kumpanya kung ano pa ang kanilang maaaring gawing innovation ngayong new normal, pero binigyang-diin pa rin ng mga eksperto na makakatulong ang IP registration at enforcement para sa long-term ambitions ng MSMEs.