-- Advertisements --

Muling magpupulong ang mga intelligence chief ng Egypt, US at Israel para isuong ang ceasefire sa Gaza.

Isasagawa ito sa Doha, Qatar kung saan umaasa ang mga mediators na mapapayag na nila ang magkabilang panig.

Ayon kay Egyptian intelligence chief Abbas Kamel na bitbit nila ang ilang mga punto na inilabas noon ng Hamas at Israel.

Magugunitang pinangungunahan ng Egypt at Qatar ang ceasefire deal sa mahigit na siyam na buwan ng labanan.

Ilan sa mga kondisyon ng bawat panig ay ang pagpapakawala ng mga bihag na kanilang hawak.