-- Advertisements --
Patuloy pa rin umanong pinipigilan ng Trump administration ang transition team ni President-elect Joe Biden na sumali sa intelligence transition discussions.
Hanggang ngayon, hindi pa raw nakikita ng Biden team ang mga opisyal ng military intelligence agencies sa loob ng Defense Department kabilang na ang Defense Intelligence Agency at National Security Agency.
Itinanggi naman ng Pentagon ang nasabing paratang at pinagpilitan nito na ang mga pagtalakay na naganap noong Biyernes ay para sa transition officials may kaugnayan sa military matters, kabilang na ang patakaran sa senior-level policy at international security issues ngunit hindi sa intelligence.