ILOILO CITY- Pinangunahan ng Department of Tourism ang “Inter-Agency Dialogue on Guimaras Tourism”, dalawang buwan matapos ang Iloilo Strait tragedy.
Ang nasabing dialogue ang dinaluhan ni Atty. Helen Catalbas, Regional Director ng Department of Tourism Region 6, Guimaras Gov. Samuel Gumarin at mga opisyal ng Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard kung saan bahagi ng agenda ay ang Guimaras Tourism Before and After August 3, 2019.
Maliban dito, pinag-usapan rin ang tungkol sa Tourism Related Problems ng Guimaras Province and Municipalities, Tour Operators, Sea transport, Hotel/Restaurant/Resort, Guimaras State University at Senior Citizen Sector.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Gumarin, sinabi nito na sa pamamagitan ng nasabing dayalogo, mabigyan ng solusyon ang problema kasunod ng Iloilo Strait tragedy.
Naging mainit naman ang diskusyon ng pag-usapan na ang hinggil sa memorandum ng Maritime Industry Authority kung saan hanggang 6:00 ng gabi lamang ang pagbiyahe ng mga pump boat.