DAVAO CITY – Nagsimula na ang pagkilos ang Inter-Agency Task Force Againts the Proliferation of Fraudulent Investment Schemes na mag-iimbestiga sa nagsilabasang nga mga investment company sa Davao region na nangangako ng malaking return of investment sa loob lamang ng isang buwan.
Kasapi ng task force ang Securities and Exchange Commission (SEC), National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at PNP.
Layunin umano nito na makontrol ang 53 investment companies sa Region 11.
Napag-alaman sa monitoring ng task force na 14 na sa mga nasabing kumpanya ang sarado na at pawang nakabase sa Tagum.
Ayon kay Police Regional Office Region 11 (PRO-11) director Brig. Gen. Marcelo Morales na may mga nagtangkang magbukas sa lungsod ng Davao ngunit kaagad namang nagsara matapos masita patungkol sa kanilang business permit.
Hindi pinahintulutan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang easy money scheme sa Davao pero nagpahayag na hindi niya mapipigilan ang mga taga-Davao na magpay-in upang ma-doble o ma-triple ang kanilang pera pagkatapos ng isang buwan.