-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Inaasahang hindi na magtatagal at tuluyan ng maibalik sa South Korea ang tone-toneladang basura ng Verde Soko na ipinuslit sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Ito ay matapos kinumpirma ni Mindanao International Container Terminal ( MICT) port collector John Simon, ang barkong pagmamay-ari ng Maersk Shipping Line na siyang pagkakargahan ng mga basura.
Sinabi ni Simon na may gagawin silang inter-agency meeting kasama ang mga kinauukulang ahensiya upang mapagplanuhan ang pag-transport ng mga basura.
Aniya, kailangan na ring isilid sa mga container van ang nasa 5,000 toneladang mga basura.
Matatandaang mahigit isang taon na ang nakalipas ng padalhan ng sandamakmak na mga basura galing South Korea ang lalawigan ng Misamis Oriental.