-- Advertisements --
BORACAY 1
Paraw Biniray Festival in Boracay (photo from DENR)

KALIBO, Aklan— Tiwala ang Boracay Inter-Agency Task Force na bago pa man sila maghihiwalay ay matatapos nila ang mga target para sa dalawang taon na rehabilitasyon sa isla.

Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilition Management Group (BIARMG) general manager Natividad Berdandino na 67 porsiyento ng 339 na commercial at residential structures sa tabi ng baybayin ay nakasunod na sa 25+5 meter shoreline easement rule.

Dagdag nito na hanggang sa ngayon ay mahigpit na ipinapatupad ang maximum carrying capacity ng isla na 19,215 tourists, kung saan, umaabot sa 5,639 ang turista na pumapasok sa isang araw.

Ang main road aniya ay inaasahan na matatapos sa pagtatapos ng taon at ang iba pang road sections ay sa Abril o Mayo 2020.

Maalalang noong Mayo 8, 2018, nagpalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order No. 53 na bumuo sa task force at itinalaga si Department Environment Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu bilang chairman.

Samantala, pinuri ni Cimatu ang pagsisikap ng task force at ang ilang tumulong sa rehabilitasyon.

Nabatid na ang Boracay ay ipinasara noong Abril 26, 2018 upang bigyan daan ang anim na buwang rehabilitation program.

Muli itong binuksan sa publiko noong Oktubre 26, 2018 na may mahigpit na regulasyon sa paggamit ng tanyag sikat na white beach at pagpasok nga mga turista.