-- Advertisements --

Nabigo na Lionel Messi at koponan nitong Inter Miami sa unang round pa lamang ng Major League Soccer (MLS).

Ito ay matapos na talunin sila ng number 9 na Atlanta United sa sarili nilang home court sa best-of-three series.

Unang nakapagtala ng goal si Miami Midfielder Matias Rojas sa loob ng 17 minuto.

Agad naman na nakabawi ang Atlanta at magkasunod na naipasok ang dalawang goals.

Naitablani Argentine superstar Messi ang laro sa 2-2 sa loob ng 65 minuto sa kaniyang kauna-unahang goal sa playoffs.

Mabilis na nakabawi ang Atlanta sa pamamagitan ni Bartosz Slisz na naitala ang panalo sa 76th minuto.

Makakaharap na ngayon ng Atlanta United ang Orlando City sa Eastern Conference semfinals.