BUTUAN CITY – Hindi dapat gamitin ni Senador Ronald ‘Bato’ de la Rosa ang inter-parliamentary courtesy upang iwasan ang pagdinig ng kamara ukol sa extra judicial killing na umano’y naganap habang ipinatupad ng dating administrasyong Duterte ang ‘Oplan Tokhang’.
Ayon kay Congresswoman France Castro, kailangang-kailangan ang presensya ni Senador Bato sa nasabing pagdinig dahil siya umano ang hepe ng Philippine National Police sa kasagsagan ng implementasyon ng madugong war on drugs at hindi maaring magkibit-balikat lamang umano ito.
Marami din umanong probisyon sa Oplan Tokhang na hindi nila naiintindihan at tanging ang senador lamang ang makakapagpaliwanag lalo na’t umabot sa mahigit 6,000 ang mga biktima ng war on drugs base na sa talaan ng Philippine National Police.