BANGUED, Abra – Nagkakaisang sigaw ng mga iba’t ibang election organization dito Abra, na maging mapayapa, matiwasay, tahimik na halalan.
Sa nangyaring interfaith rally and peace covenant signing dito sa Abra capitol, na mismong dinaluhan ni Comelec chairman Saidaman Pangarugan, commissioner Erwin Garcia, mga matataas na opisyal ng PNP na si PLt. Gen. Rodolfo Azurin na kumatawan kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos at AFP Lt. Gen. Ernesto Torres representative ni AFP Chief of Staff Andres Centino ang nasabing aktibidad.
Dumalo ang iba’t ibang kandidato mula sa 27 munisipyo ng Abra mula sa tumatakbong alkalde, bise alkalde, board members, vice governor at pagka governor.
Sinindihan ng mga kandidato ang kanilang kandila simbolo ng pagkakaisa.
Sa pagsasalita ni Comm. Garcia, muli nitong iginiit na sa ngayon eleksyon, isa lang ang maipapangako ng komisyon na maging maayos ang halalan, lalo na sa Abra..
Pinawi din ang pangamba ng mga taga Abra na baka may hukos pokos ang makinang gagamitin, giit ni Comm. Garcia, malabong mangyari yun, dahil ang mga makina ay walang problema.
Sinabi naman ni Chairman Pangarugan na nawala ang kanyang takot pagdating sa Abra.
Base kasi sa kanyang naririnig noon, para umanong Lanao at Marawi ang Abra na magulo tuwing eleksyon.
Wala rin umanong dahilan para ilagay under comelec control Abra dahil tahimik naman ang lalawigan base sa mga natangap nyang report mula sa PNP at AFP.
Magsilbi rin sana umanong halimbawa ang peace covenant na maging matiwasay at violent free ang 2022 election sa Abra.