-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Bangladesh Army ang pagkakaroon na ng interim government na siyang magpapatakbo ng bansa.
Kasunod ito sa pagbibitiw sa puwesto ni Prime Minister Sheikh Hasina at pag-alis niya sa bansa matapos ang ilang linggong kilos protesta.
Sinabi ni army chief General Waker-Uz-Zaman na ang interim government ang siyang magpapatakbo pansamantala ng gobyerno hanggang wala pang napipiling mamumuno.
Nanawagan din ito sa mga mamamayan na maging kalmado.
Sinasabing si Hasina ay nagtungo na sa New Delhi India matapos ang pagtakas nito.
Nagbunyi naman ang maraming mga mamamayan ng Bangladesh matapos ang pagbibitiw ni Hasina.
Magugunitang halos 300 katao na ang nasawi sa sagupaan ng mga protesters at kapulisan matapos ang ilang araw na kilos protesta.