-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang interim president ng Peru na si Manuel Merino.

Ito ay matapos na dalawang katao ang nasawi dahil sa kilos protesta laban sa gobyerno.

Mahigit dalawang linggo na lamang nakaupo ito sa puwesto kung saan pinalitan nito si President Martin Vizcara matapos na ma-impeach dahil sa malawakang panunuhol.

Nauna ng nagbitiw ang 12 minister nito bilang protesta sa police brutality at ang hindi tamang paghawak nito sa krisis.