-- Advertisements --

Nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Interior Sec. Eduardo Año.

Ayon kay Año, inilabas daw noon pang Miyerkules ng hapon ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Gayunman, kahit na tapos na ang kanyang quarantine period ay mananatili pa rin daw ito sa work from home setup.

Noong Agosto 16 nang ianunsyo ng kalihim na nagpositibo ito sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.

Kung maaalala, noong Marso nang unang dinapuan ng virus ang opisyal.