Pangungunahan mismo ni newly-installed Interior and Local Government Secretay Jonvic Remulla ang pagpapasara sa mga operasyon ng POGO sa bansa lalo at ang taning na ibinigay ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hanggang sa katapusan ng taon.
Sa panayam kay Remulla kaniyang inihayag na magkakaroon sila ng final inspection sa lahat ng mga POGOs sa bansa at pagkadating ng December 31, 2024 ay sarado na ang mga ito at wala ng nago -operate.
Personal din pangungunahan ni Remulla ang pagpapasara ng mga POGO sa ibat ibang lugar sakaling hindi ito maipatupad ng mga LGUs.
Ipinunto din ni Remulla na ang POGO hub na nasa isla nila ay ang una niyang ipapasara.
Nilinaw din ng kalihim na hindi pagmamay-ari ng Remulla ang property kung saan may mga itinayong POGO hubs.
Binigyang-diin din ni Remulla na hindi nito sasantuhin ang sinuman kapag patuloy ang mga ito sa kanilang POGO operations, Filipino man ang mga ito o Chinese nationals.
Samantala, aminado si Remulla na malaking hamon sa kaniya bilang bagong kalihim ng DILG ay ang Police Force.
Aniya ang PNP ay binubuo ng mga professionals subalit mayruong mga kumpetisyon at pulitika sa loob ng organisasyon na dapat pakatututukan.
Dahil dito nakatakda mag rekumenda si Remulla sa Pangulo ng mga pagbabago lalo na sa istruktura nito.
Aniya panahon na para i-streamline ang organisasyon.
Sa mga susunod na araw, ihahayag ni Remulla ang kaniyang polisiya.