-- Advertisements --
image 362

Napagpasiyahan ng Korte Suprema na ang interment services o mga serbisyo para sa pagpapalibing ng namatay na senior citizen ay saklaw ng kanilang 20% discount na magagastos sa funeral at burial.

Ito ay matapos na hindi katigan ng Supreme Court En Banc ang January 2018 at October 2018 resolutions ng Cagayan de Oro city regional trial court na nag-aalis sa interment services mula sa coverage ng senior citizen discount.

Nagpasya kasi ang RTC na hindi sakop ng nakukuhang 20% discount ng senior citizen ang interment services sa ilalim ng Republic Act 7432 o ang Senior Citizens Act.

Subalit ayon sa Korte Suprema na ang exclusion ng RTC sa interment services mula sa coverage ng 20% senior citizen discount ay hindi nakapaloob sa ilalim ng batas at ang Implementing Rules and Regulations ay hindi nakabukod ang interment services at hindi maaring bigyang kahulugan para suportahan ang resolusyon ng mababang korte.