-- Advertisements --
DILG SEC ANO
Sec Ano and PNP

Mas pinalakas at pinalawak pa umano ng PNP ang kanilang internal cleansing campaign ngayong pinagana na ang Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG) kapalit ng Counter Intellegence Task Force (CITF).

Personal na pinangunahan ni Interior Sec. Eduardo Año at PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde ang ginawang seremonya sa Kampo Crame nitong hapon.

Ayon sa kalihim, mas mapalalakas pa ang kampanya kontra sa mga tiwali at abusadong pulis dahil ito na ang mangunguna sa pagkalap ng mga impormasyon at magsagawa ng operasyon.

Sinabi ni Año, madadagdagan na ang puwersa ng IMEG at maging ang kanilang mga resources.

Pamumunuan pa rin ni P/Col. Romeo Caramat Jr ang IMEG na ngayon ay bahagi na ng National Support Unit ng PNP.

Sa panig naman ni Albayalde, sinabi nito na bukod sa mga tiwaling pulis na sangkot sa iligal na droga target din ng IMEG ang mga pulis na sangkot sa kurapsyon.

Tiniyak din ni Albayalde na ang mga pulis na mapapabilang sa nasabing unit ay sasalain ng husto isasailalim sa rigid training, isasailalim din sa psychiatric examination at walang bad record.

Kinumpirma ni Albayalde na ang hepe na mamumuno sa IMEG ay may ranggong police brigadier general.

Aniya, kanila na rin irerekomenda sa National Police Commission ang promotion ni Caramat.