Umabot sa pinakamataas na record na 75.9 million ang bilang ng mga internally displaced people sa buong mundo.
Ito ay ang mga taong umalis sa kanilang mga tahanan dulot ng giyera, kalamidad, at iba pang kaguluhan ngunit nananatili pa rin sa kanilang bansa.
Ayon sa Internal Displacement Monitoring Centre, 7.7 milyong katao ang na-displace nang dahil sa kalamidad at 68.3 milyon naman ang dahil sa kaguluhan at karahasan kabilang na ang giyerang nararanasan sa Sudan at Gaza.
Ito ay mas mataas sa naitala noong 2022 na 71.1 million. Ayon din sa organisasyon, tumaas ng 50% ang bilang ng internally displaced people sa nakalipas na limang taon.
Sa Gaza Strip pa lang, 1.7 milyong Palestino na ang internally displaced sa katapusan ng 2023 matapos ang pag-atake ng Israel.