-- Advertisements --

Lumalawak pa ang international alarm dulot ng umano’y bagong variant ng coronavirus sa United Kingdom.

Ito ay dahil patuloy din na nadaragdagan ang mga bansa na nagdedeklara ng travel ban dahil sa takot sa bagong COVID strain.

Una nang naiulat na mahigit na sa 40 mga bansa ang nagpatupad ng travel ban patungong UK.

London UK United Kingdom
Visit London (photo @philipp_pley)

Nagpadagdag pa sa alarma ay ang report na ang mga biyahero mula sa South Africa ay bawal muna na magtungo sa ilang mga bansa dahil din daw sa bagong variant ng virus na nadiskubre rin na magkaiba sa United Kingdom.

Nag-ulat din ang mga bansang Australia, Italy, Netherlands at Denmark ng bagong strain din ng coronavirus.

Una nang iniutos ni Prime Minister Boris Johnson sa 16 milion na mga Briton na manatili muna sa kanilang bahay sa panahon ng kapaskuhan lalo na sa London at England.

Isa namang kilalang virologist mula sa Rega Institute for Medical Research sa Belgium na si Marc Van Ranst ang nagbabala na sa mga susunod na araw malalaman din ng maraming mga bansa na meron na rin silang mga bagong strain ng COVID-19.