-- Advertisements --
image 409

Tinawag ng International Committee of the Red Cross (ICRC) bilang sliver of hope o katiting na pag-asa ang ginawa ng grupong Hamas na pagpapakawala sa dalawa nitong bihag.

Ayon kay ICRC president Mirjana Spoljaric, natutuwa ang organisasyon dahil sa wakas ay magkasama na muli ang mag-inang dalawang linggo ring namuhay sa takot.

Patuloy aniya na umaapela ang Red Cross para maprotektahan at maibsan man lang ang paghihirap ng mga sibilyan na naapektuhan ng naturang kaguluhan.

Umaapela rin ang grupo para sa agarang pagpapakawala sa iba pang mga bihag.

Ayon kay Spoljaric, nakahanda ang Red Cross na bisitahin ang iba pang mga bihag ng Hamas at ipakiusap ang kanilang tuluyang paglaya.

Samantala, umapela rin ang naturang organisasyon sa mga miyembro ng Hamas na mabigyan sila ng sapat na tulong medikal, at humanitarian assistance.