-- Advertisements --
pnoy 4

Bumandera rin sa international media ang pagpanaw ng dating lider ng Pilipinas na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Bumubuhos din ang pagbibigay pugay, pakikiramay at tribute mula sa international community.

Kabilang sa unang nagpaabot nang pakikiramay sa pamilya Aquino ay ang European Union (EU).

Sa panahon umano ng administrasyon ni Aquino ay pinalakas pa ang relasyon ng Pilipinas at Europa.

Sa social media post ng EU delegation in the Philippines inilathala pa ang larawan ni Aquino sa pagbisita niya noon sa Brussels, Belgium taong 2014 kung saan pumipirma siya sa EU-Philippines partnership at cooperation agreement.

Ayon naman sa spokesperson ng embassy ng Germany, tinawag nilang “great friend” ito ng kanilang bansa.

Inalala rin nila ang official state visit ni P-Noy sa Federal Republic of Germany noong September 2014 at nakadaupang palad nito si dating German federal President Joachim Gauck at Federal Chancellor Angela Merkel.

pnoy 3

Ang bansang France ay nakiramay din sa Pilipinas at pamilya ng mga Aquino.

Nagbalik tanaw din ang Pransiya nang bumisita si French President François Hollande sa Manila noong 2015 na mainit daw na tinanggap noon ng yumaong Presidente Aquino.

Ang US Embassy sa pamamagitan ni Charge d’Affaires John Law ay ikinalungkot din ang pagpanaw ni Aquino.

Nagpasalat naman ito sa naging “partnership” noong nakaupo pa ito sa puwesto.

Noong taong 2012, si Aquino ay nagkaroon ng tatlong araw na state visit sa US mula sa imbitasyon ni former US President Barack Obama.

Habang noong 2014, si Obama naman ay nagsagawa ng two-day state visit sa Pilipinas.

Ganon din ang mga embahada ng United Kingdom sa pamamagitan ni Ambassador Daniel Pruce at Australia kung saan ibinahagi rin ni Ambassador Steve Robinson ang kuwento sa state visit ni Aquino sa noong 2012.

australia pnoy

Samantala, ilang mga higanteng news agency din sa ibang bansa ang binigyang espasyo sa kanilang top stories ang pagpanaw ng dating pangulo.

Noong taong 2013 napabilang si P-Noy sa Time magazine bilang isa sa “100 most influential people in the world.”

Sa ilalim ng kanyang administrasyon ay nagtipon sa Pilipinas ang ilang mga heads of state kaugnay sa APEC Summit at naging international event din ang visit ni Pope Francis.

pnoy 5
obama palace PNoy
pnoy 2
pnoy 1