Inatasan ng International Court of Justice (ICJ) ang Israel na agad nitong tigilan ang military operations nito sa Rafah City sa Gaza.
Ang nasabing ruling ay bilang tugon sa paghahain ng South Africa noong nakaraang Linggo ng kaparaanan kung saan inakusahan nito ang Israel ng genocide.
Sa inilabas na court ruling ni presiding judge Nawaz Salam ni mararapat na ihinto na ng Israel ang kaniyang military offensive at ilang pag-atake sa Rafah na magdudulot ng pagkasira ng Palestine at ito ay maituturing na uri ng genocide sa ilalim ng international law.
Mariing itinanggi naman ng Israel ang nasabing alegasyon at hindi nila susundin ang kautusan para matigil ang kanilang operasyon.
Ikinatuwa naman ng Hamas ang hakbang na ito ng Internatioal Court of Justice na marapat na matigil na ang nasabing pag-atake na ito sa Rafah.