-- Advertisements --
sirisena
Sri Lanka President Maithripala Sirisena

May grupo ng natukoy ang mga otoridad ng Sri Lanka sa nasa likod ng madugong Easter Sunday bombing.

Sinabi ni President Maithripala Sirisena na ang international drug syndicate ang siyang nasa likod nang pagpapasabog.

Isa sa dahilan na kanilang nakikita ay ang paghigpit sa kaparusahan sa mga naaaresto na nagtataglay ng iligal na droga.

Ang jihadist group National Thowheeth Jama’ath (NTJ) ang itinurong responsable sa suicide bombing sa simbahan at hotels na ikinasawi ng 258 katao noong Abril.

Ayon pa sa pangulo na hindi siya aatras sa nasabing mahigpit na kampanya kontra droga at lalo pang paiigtingin ang kampanya.