-- Advertisements --

Kinansela ng Philippine Airlines ang kanilang international flights matapos na limitiahan ng gobyerno ang mga inbound travelers.

Sa nasabing kautusan ng gobyerno ay hanggang 1,500 lamang na pasahero ang papayagang makapasok sa bansa mula Marso 19- Abril 18.

Ilang sa mga flights na kanselado ay ang mga sumusunod:
March 18:

PR 658/659 – Manila-Dubai-Manila
PR 684/685 -Manila-Doha-Manila
PR 5682/5683 – Manila-Dammam-Manila
PR 116 – Manila-Vancouver
PR 102/103 – Manila-Los Angeles-Manila

March 19

PR 117 – Vancouver-Manila
PR 507/508 – Manila-Singapore-Manila
PR 100/101 – Manila-Honolulu-Manila
PR 102/103 – Manila-Los Angeles-Manila
PR 126 – Manila-New York
PR 300/301 – Manila-Hong Kong-Manila
PR 427/428 – Manila-Tokyo (Narita)-Manila
PR 425/426 – Manila-Fukuoka-Manila
PR 411/412 – Manila-Osaka (Kansai)-Manila
March 20

PR 127 – New York-Manila
PR 5682/5683 – Manila-Dammam-Manila
PR 104/105 – Manila-San Francisco-Manila
March 21

PR 427/428 – Manila-Tokyo (Narita)-Manila
PR 535 – Manila-Jakarta
PR 110 – Manila-Guam

March 22

PR 536 – Jakarta-Manila
PR 111 – Guam-Manila
PR 421/422 – Manila-Tokyo (Haneda)-Manila
PR 437/438 – Manila-Nagoya-Manila

Nakatakdang ianunsiyo rin ng PAL ang ilang flight cancellation sa mga susunod na araw.

Simula Marso 20 hanggang April 19 ay papayagan lamang ang mga pasahero na mayroong 9(e) visas, Overseas Filipino Workers (OFW), mga pasahero na na may medical repatriation at kanilang escort na inindorso ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) o Overseas Workers Welfare Administration ng Department of Foreign Affairs (DFA), mga distressed Overseas Filipinos (ROFs) na inindorso ng OUMWA, emergency, humanitarian at ilang kaso na aprubado ng National Task Force on COVID-19.

Pinayuhan din ng PAL ang ilang options ng mga pasahero na kabilang sa kanselado ang flights mula Marso 20 – Abril 19 na maaari silang magpa-rebook ng flights na gusto nila, magpa-refund ng bayad sa tickets at i-convert ang kanilang tickets sa mga travel vouchers.