-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Pormal nang binuksan ang International Innovation Center for Indigenous Studies (IICIS) sa Main Campus ng Ifugao State University (IFSU) sa Nayon, Ifugao.
Puntirya ng nasabing center ang pagpapatibay ng kooperasyon ng publiko sa indigenous knowledge at sustainable development studies.
Binigyang linaw ni IFSU president Eva Marie Dugyon ang kahalagahan ng matibay na kooperasyon ng mga mamamayan sa pagharap ng mga ito sa problema ng bansa ukol sa indigenous knowledge systems and practices, ecology, kultura at iba pa.
Produkto din ng nasabing center ang memorandum of understanding sa pagitan ng IFSU at NCU officials para maipakilala ang international academic cooperation at research experiences ng nasabing unibersidad.