Agad na pinaparesolba ng International Olympic Committee (IOC) at Olympic Council of Asia (OCA) ang gusot na nangyayari sa Philippine Olympic Committee (POC).
Sa sulat na ipinadala sa POC, nagbanta ang Olympic governing body na hindi magdadalawang isip ang IOC at OCA na magpataw ng mabigat na kaparusahan kapag hindi naresolba ang problema.
Aniya, may malaking epekto sa reputasyon ng Pilipinas at sa ibang bansa ang nangyayaring internal at personal na alitan sa loob ng POC.
Babala pa nito, ang posibleng epekto epekto sa gaganaping international sports events kabilang na ang Olympic Games sa Tokyo 2020 bukod pa sa hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019.
Magugunitang nagsimula ang alitan nang tanggalin ni dating POC president Ricky Vargas si Peping Cojuangco at ibang mga opisyal ng magkaroon ng awayan noong Mayo 27 sa ginawa nilang general assembly.
Una nang itinakda ang snap elections matapos na isulong ito ni POC chairman Bambol Tolentino na gagawin sa July 5.
“The recurrent internal and personal disputes have been affecting the POC’s reputation in the country and internationally, and have also created a very unstable situation which has a negative impact on the Olympic Movement as a whole in the Philippines, and in particular on the preparations for the forthcoming international sports events, including the Olympic Games Tokyo 2020,” bahagi ng sulat ng Director of Olympic Solidarity James Macleod at Director-General of the Olympic Council of
Asia Hussain Al-Mussalam na may petsang June 25.
Sa ngayon daw, tanging tatlong mga resignation letter pa lamang ang kanilang kinikilala na kinabibilangan mula sa POC Executive Board na sina POC President Ricky Vargas, Executive Board members Clint Aranas at Cynthia Carrion.