-- Advertisements --

Naniniwala si International Olympic Committee chief Thomas Bach na mayroon pa rin mga audience na manonood sa Tokyo Olympics.

Sa kaniyang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, may mga ipapatupad silang mga paghihigpit para hind magkaroon ng hawaan ng COVID-19.

Dahil sa nasabing gagawing paghihigpit ay asahan na ang pagkakaroon ng mga audience sa nasabing events.

Pagtitiyak din nito ang pagkakaroon ng maraming mga manonood sa at kung maaari ay mabakunahan na ang mga ito bago sila makarating sa Japan.

magugunitang ipinagpaliban na sa Hulyo 23, 2021 ang nasabing Olympics dahil sa banta ng coronavirus pandemic.