Mariing kinondena ng International Olympic Committee (IOC) ang ginawang paglabag ng Russian government sa pinirmahan nitong Olympic truce matapos na atakehin ang katabing bansa na Ukraine.
Ayon kay IOC President Thomas Bach, pumirma ang Russia at kasama ang halos 200 mga bansa noong buwan ng Disyembre sa United Nations resolution na ititigil muna ang anumang giyera o opensiba, pitong araw bago ang Beijing Winter Games at pitong araw pagkatapos ng Paralympic Games.
Kung maalala apat na araw pa lamang ang nakakalipas ng matapos ang Winter Games sa China, habang sa March 4 naman ay magsisimula pa lamang ang Paralympic Games.
Una nang nanawagan si Bach sa mga lider sa buong mundo na igalang ang kanilang pinirmahang Olympic truce.
Samantala bumuo na rin ang IOC ng task force upang saklolohan ang Olympic community sa Ukraine para magsagawa ng humanitarian assistance kung kinakailangan.