-- Advertisements --

Inanunsiyo ni EJ Obiena na hindi matutuloy ang international pole vault event sa bansa na kaniyang pinamumunuan.

Kasunod ito sa injury na kaniyang natamo sa mga nagdaang pole event.

Sinabi nito na ipapalit na lamang sa nasabing event ang meet-and-greet event sa darating na Setyembre 15 sa Ayala Malls Manila Bay.

Sa unang plano ay isasagawa sana sa Setyembre 20 ang Philippine International Pole Vault Challenge sa lungsod ng Makati.

Subalit dahil sa injury niya ay nagpasya ito ng mamamahinga at magpagaling para sa pagsabak sa susunod na taon.