-- Advertisements --
Nag-adjust na lamang ang International Space Station para maiwasan ang collision sa mga piraso ng debris mula sa US rocket.
Ayon kay Dmitry Rogozin ang namumuno ng Roscosmos ang space agency ng Russia, na ito ang kanilang ginawa para hindi sila tamaan ng debris ng Pegasus carrier rockets remnants.
Dagdag pa nito na kailangan ipalihis ng oribt ang thrusters ng Progress MS-18 space freighter na nakakabit sa station.
Magugunitang kinansela na rin ang NASA ang kanilang spacewalks dahil sa pangamba ng debris na sinasabing nagmula sa Russian anti-satellite test dalawang linggo na ang nakakaraan.