Nagkasundo na ang International Weightlifting Federation at Thai Amateur Weightlifting Federation na isagawa sa Phuket, Thailand ang 2024 International Weightlifing Federation World Cup.
Ang nasabing World Cup ang huling qualifying event para sa mga atletang nais sumabak sa weightlifting sa Paris Olympics.
Ang nasabing torneyo rin ang isa dalawang torneyo na dapat pagdaanan ng mga atletang nagnanais makapasok sa Olympics. Ang isa ay ang IWF World Championship na gaganapin naman sa Riyadh, Saudi Arabia sa Setyembre 2 – 17, 2023.
Sa kasalukuyan, dalawang Pilipino ang pinaplanong maging bahagi ng Philippine team na sasabak sa weithlifting competition na isasagawa sa Phuket.
Una ay si Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz at ang pangalawa ay si Elreen Ann Ando ng Cebu City. Si Ando, 24 years old, ay bahagi ng Philippine National Weightlifting team na una nang sumabak sa 2020 Summer Olympics at iba pang international competition.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang ensayo ng dalawa, habang pinaplano ang pagsabak sa IWF World Cup qualifying tournament, na nakatakdang ganapin sa Abril 2 hanggang Abril-11, 2024.