-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nais sanang makaharap ng E-Gilas ang top European team sa katatapos lang na kauna-unahang FIBA Esports Open subalit naging hadlang sa kanila ang problema sa internet connection dahilan na nahati sa regional groups ang 17 national teams.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay E-Gilas team manager Richard Brojan, nanghihinayang man sila pero umaasa parin na makalaban ang mga target na bansa sa susunod.

”Kung hindi sana kami na limit na Indonesia team lang yong kalaban namin, we really wanted to play against the top European teams, specifically Italy, Lithuania and Spain. Sayang lang because of internet problems and connections we had to only play with Indonesia” pahayag ni E-Gilas team manager Richard Brojan sa Star FM Bacolod.

Ang Pilipinas o “E-Gilas,” nagdomina sa Southeast Asian conference, kung saan winalis nila ang Indonesia sa kanilang five-game series.

Ilan pa sa inaugural winners ng FIBA Esports Open ay ang Italy (Europe Conference), Argentina (South America Conference), Saudi Arabia (Middle East Conference) at Australia (Oceania Conference).