Hinimok ng ni Tim Abejo, co-convenor ng CitizenWatch Philippines na maamyendahan ang National Building Code of the Philippines, upang tulad ng water at electrical facilities ay maisama agad ang telecommunications at broadband network links sa design stage na lease-free.
Batay sa datos mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa 2023, nasa 65 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ang wala pa ring access sa internet.
Lumalabas sa pag-aaral na 77.81 porsiyento lamang ng Filipino population ang magkakaroon ng internet connection sa 2028.
Nabatid ang average broadband internet speed sa Pilipinas ay kasalukuyang ranked 41 sa buong mundo.
Habang malaking problema pa rin ito dahil sinasabing ang bilis ay kadalasang ‘inconsistent’ at limitado lamang.
Sa ngayon, 767 gusali sa buong bansa ang tinanggap ang zero-lease initiative, kung saan ang Makati City ang may pinakamataas na bilang sa 105, kasunod ang Taguig na may 91, at Quezon City na may 57 sa ilalim ng ilang telecommunications firm.