Malungkot na ipinahayag ni Jeraldine Blackman, sikat na personalidad sa social media ang paghihiwalay nila ng asawa nitong si Josh Blackman.
Sa Instagram post ni Jeraldine nitong araw ng Biyernes, ibinahagi niya ang malungkot na balita at inilahad ang paghihiwalay nilang magasawa ngunit ayon dito patuloy parin silang mananatiling magkaibigan at magko-co-parent sa kanilang mga anak na sina Jette at Nimo.
‘I have been trying to find the right time, when I’m gonna get the courage for me to post this one online,’ umiiyak na sinabi ni Jeraldine sa video.
‘Josh and I have separated. We’re good friends. I just know that he is a good person and he is the best father that Jette and Nimo could ever have,’ dagdag pa nito.
Nagpasalamat naman siya sa mga sumuporta parin sa kanilang pamilya at humingi ng paumanhin sa hindi inaasahang pangyayari.
‘I’m so sorry. We have a lot of you guys who love us. Thank you for all the support for the last three years. It’s been amazing. It’s been one of the best,’ ani Geraldine.
‘Thank you for loving the Blackman family,’ dagdag pa niya.
Kilala ng mga netizens ang Blackman family bilang isang family content na nakabase sa Sydney, Australia, at naging tanyag sa internet dahil sa kanilang mga nakakatuwang content.
Binubuo ito ni Josh, isang Australian daddy, Jeraldine, isang Filipina mommy, at ang kanilang dalawang anak na sina Jette at Nimo na kamakailan lamang ay bumisita sa Pilipinas.
Samantala labis naman ang kalungkutan ng mga tagahanga ng Blackman family na nagpapadala ng kanilang pagmamahal at suporta sa mahirap na hamon ng panahon para sa pamilya Blackman.