Nakakita ng karagdagang “improvement” sa huling buwan ng 2022 ang internet speed sa Pilipinas base sa pinakabagong “figure” na inilabas ng global speed monitoring firm na Speedtest ng Ookla.
Sa pinakabagong ulat ng Ookla Speedtest Global Index, nagpakita ng mga pagtaas sa parehong mobile download at fixed broadband speed para sa bansa noong Disyembre.
Ang mobile median download ng bansa ay tumaas sa average na 25.12 megabits per second (Mbps) mula sa 24.04 megabits per second (Mbps) noong Nobyembre.
Ito ay isang 4.49% month-on-month improvement para sa bilis ng mobile internet.
Ito rin ay kumakatawan sa improvement ng 17.33% mula noong nagsimula ang administrasyong Marcos noong Hulyo 2022.
Ikinatuwa ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga improvements sa bilis ng internet sa Pilipinas.