-- Advertisements --

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representativees ang panukala na naglalayong i-regulate ang transactions ng e-commerce industry sa bansa at tiyakin na protektado ang bawat consumer sa kanilang online transactions.

Sa botong 232 affirmative at anim na negative, inaprubahan ng kapulungan ang House Bill 7805 o ang proposed “Internet Transactions Act”, na magtatalaga rin sa Electronic Commerce Bureau sa pag-manage ng e-commerce activities.

Layunin ng panukalang ito na palakasin pa ang e-commerce environment sa Pilipinas at magkaroon ng tiwala sa pagitan ng online sellers at buyers sa pamamagitan ng secure at reliable na e-commerce platforms.

Sakop ng naturang panukala ang panuntunan para sa business-to-businees at business-to-consumer e-commerce at maging ang mga transaksyon na ginagawa sa internet.

Hindi naman kasali rito ang consumer-to-consumer transactions.

Sa oras na maging batas, magkakaroon ng E-Commerce Bureau na mangangasiwa sa mga aktibidad na ginagawa sa internet.

Pangunguhan din nito ang development ng online dispute platform kung saan maaaring maghain ng hinaing at disputes ang mga consumers at online merchants.