Kumpiyansa ang Department of Trade and Industry (DTI) na ang bagong isinabatas na Internet Transactions Act (ITA) ay magtutulak sa mga aktibidad sa digital economy ng bansa.
Ito ay dahil ang batas ay nagbibigay ng higit na proteksyon sa mga consumer kapag nakikipagtransaksyon sa online.
Nagpahayag ng kumpiyansa si DTI Secretary Alfredo Pascual na ang batas ay radical na mapapabuti ang e-commerce ng bansa.
Habang ang Internet Transactions Act ay nagtataas ng kumpiyansa sa mga online transactions.
Ang Internet Transactions Act (ITA) ay isang landmark na panukala dahil ito ay dumarating sa panahon kung saan ang online selling at online shopping ay paraan ngayon ng pamumuhay.
Ang Departamento ay nagpapahayag ng pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtaguyod sa Internet Transactions Act bilang isa sa 20 priority bill ng kanyang administrasyon.
Tiniyak ni Pascual sa publiko na titiyakin ng ahensya ang tamang pagpapatupad ng batas para mapalakas ang mga transaksyon sa electronic commerce.
Inutusan ng batas ang DTI, sa pamamagitan ng e-commerce bureau nito, na lumikha ng online database na magbibigay sa gobyerno at sa mga consumer ng access sa impormasyon sa mga negosyong may digital operations.