Hindi magagamit ang internet voting ng Commission on Elections sa 17 na bansa sa ibat ibang bahagi ng mundo na mayroong OFW para sa 2025 Midterm Elections.
Maalalang ang internet voting o online voting ay itinutulak ng COMELEC na gamitin para mahikayat pa lalo ang mga OFW na bumoto sa halalan, habang sila ay nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pero ayon sa komisyon, mayroong 17 na bansa na hindi pumayag na magamit ang kanilang internet dahil sa ibat ibang mga kadahilanan, pangunahin na ang susapin sa seguridad.
Kinabibilangan ito ng Israel, China, Syria, Russia, at iba pang bansa na mahigpit ang kanilang internet connectivity.
Pero tuloy pa rin ang botohan sa conventional na paraan.
Samantala, ang mga OFW na kwalipikadong boboto sa 2025 Elections sa pamamagitan ng absentee voting ay may pagkakataong pumili ng 12 senators at isang party-list group.