-- Advertisements --
image 316

Nakikitang magpapataas pa ng hanggang 5 million ang rehistradong botanteng Pilipino sa abroad sa oras na maipatupad na ang internet voting para sa 2025 midterm elections.

Ito ang inihayag ni Comelec chairman George Garcia sa House Appropriations Committee kasabay ng deliberasyon ng pondo ng ahensiya para sa susunod na taon.

Aniya, nagsimula noong Disyembre 2022 ang dalawang taong mahabang panahon ng pagpaparehistro para sa halalan sa Mayo 2025 at magtatapos sa Disyembre 2024.

Sa kasalukuyan, mayroon pa lamang aniyang 400,000 ang nakapagparehistro para sa 2025 elections mula sa humigit kumulang 12 million Pilipino na nasa ibang bansa.

Ibinahagi ni Garcia na ang Overseas Filipino (OF) voter turnout noong 2022 national elections ay 39% o humigit-kumulang 600,000 sa 1,692,000 OF na mga botante.

Ang pagboto sa Internet ay hindi ipinatupad noong 2022 national election ngunit sa isinagawang test runs para sa 2025 na target gawing automated elections ay isinagawa noong 2021 at nagpakita ito ng magandang resulta.

Top