CAUAYAN CITY- Sang-ayon ang isang Internist na kailangan pa ng mga karagdagang pag-aaral para matiyak na epektibo ang gamot na Ivermectin sa COVID 19 patients.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Melanio Lazaro sinabi niya na bagamat may katotohanan ang mga kumakalat na espekulasyon may kauganyan sa paggamit ng Ivermectin bilang epektibong panlaban sa COVID-19 ay wala pa itong sapat na basehan.
Iginiit niya na hindi lamang sa pilipinas pinag-dedebatehan ang naturang usapin dahil noon pang 2020 ay marami ng mga doktor at dalubhasa ang nag rerekomenda sa paggamit ng ivermectin laban sa COVID-19 subalit ito ay hindi aprubado ng Food and Drugs Administration ( FDA ) ng Pilipinas.
Aniya may magkaibang klase ng Ivermectin na ginagamit para sa tao at para sa hayUp.
Ayon kay Dr. Lazaro, ang ivermectin ay ginagamit sa hayup bilang Antiparasitic habang ginagamit naman ito panlaban o panggamot sa malalang parasitic infection at fungal infection para sa tao.
May inisyal na pag-aaral noon na nagsasabing ang Ivermectin ay nakakatulong na pagandahin ang transport floating na nasa loob ng katawan ng tao na siyang sinisira ng virus.
Sinasabi rin itong epektibo sa pagsira nang spike protien ng virus.
May ilang ulat rin na ginamit ang Ivermectin para sa clinical trial laban sa COVID-19 subalit sa kakaunti ang bilang ng sumailalim sa trial.
Sa kasalukuyan ay kulang na kulang pa ang pag-aaral para sa effectivity ng Ivermectin laban sa COVID-19 kaya hanggang sa ngayon at hindi pa rin ito aprubado ng FDA.
Sa ngayon ay tanging ang mga ibinigay na treatment recommendation pa rin ng DOH ang sinusunod ng mga doktor sa bansa.