Sanib-puwersang nagsagawa ng interoperability Exercises ang mga Hukbong Pandagat ng Pilipinas at Estados Unidos sa bahagi ng Puerto Princesa City, Palawan.
Bahagi pa rin ito ng serye ng Combined interoperability activities ng Hukbong Sandatahan sa ilalim ng Comprehensive Archepelagic Costal Defense Continuum.
Layunin nito na mas patatagin at palawakin pa ang kaalaman ng mga sundalong kalahok pagdating sa usaping may kinalaman sa Coastal defense at pag-secure ng mga vital supply at maging ng troop movement.
Bukod dito ay nagsagawa rin ng obstacle emplacement at occupational defense kung saan nagsagawa ng isang scenario na layuning alamin ang mga kinakailangang hakbang pangdepensa sa coastal waters gaya ng sa Pilipinas
Samantala, kabilang sa mga lumahok sa nasabing pagsasanay ay ang mga tauhan ng Marine Battalion Lnding Team -9 sa ilalim ng 3rd Marine Brigade ng Philippine Marines at kasama ang 15th Marine Expeditionary Unit ng US Marine Corps
Kasunod nito, nagpalipad din ng drone ang 3rd Marine Corps Intelligence Company na siyang nagbibigay ng real-time data para sa intelligence at surveillance gathering.