Ipapatupad ng Toll Regulatory Board sa 2024 ang interoperatibility sa iba’t-ibang toll collection systems sa bansa.
Ayon kay Toll Regulatory Board Director Alvin Carullo na na inaasahan na matatapos ngayong taon ang lahat ng mga proyekto na may kaugnayan sa mga toll operations.
Sa ilalim ng proyekto na nagsimula pa noong 2017 na ang mga toll operator ay hinihikayat na magkaroon ng adjustments sa kanilang sistema para maipatupad ang interoperatibility at integrated toll collections.
Ipapatupad din nila ang cashless payments sa lahat ng mga toll collections na kasama sa programa.
Para sa mga madalang na gumamit aniya ng ng expressways ay magkakaroon sila ng “loading stations”.
Nagpapatuloy aniya ang kanilang ginagawang pagbabago para walang maging problema sa pagpapatupad ng nasabing programa.