Binigyan ng Interpol ng “red notice” ang Lebanon para sa pag-aresto sa tumakas na dating Nissan boss Carlos Ghosn.
Mismong ang internal security forces ng Lebanon ang nakatanggap ng nasabing sulat na kanilang isinangguni sa kanilang judiciary department.
Nahaharap kasi sa kasong financial misconduct sa Japan si Ghosn na dumating sa Beirut noong gabi ng Disyembre 31, 2019.
Ang private jet na ginamit ni Ghosn para makatakas ay unang lumapag sa Istanbul, Turkey.
Mayroon ng pitong katao ang kanilang naaresto sa Turkey na may kaugnayan sa pagtakas ni Ghosn na kinabibilangan ng apat na piloto, cargo company manager at dalawang airport workers.
Mayroon kasing French, Lebanese at Brazilian citizenship si Ghosn na may mga investment sa banking at real estate sa Lebanon.