Naglabas ng “red notice” ang Interpol laban kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr.
Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation sa gitna ng mga kasong kinakaharap ni Teves na may kaugnayan sa mga pamamaslang sa ilang mga indibidwal, partikular na sa madugong pamamaring kay yumaong Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ayon sa Interpol, ang red notice ay isang request sa mga law enforcement agencies sa buong mundo na hanapin, tugisin, at arestuhin ang isang indibidwal na mayroong kinakaharap na pending extradition, surrender, o iba pang kahalintulad na legal action.
Gayunpaman ay nilinaw din ng mga otoridad na ang paglalabas ng red notice ay hindi isang international arrest warrant.
Kung maaalala, una nang sinabi ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na walang planong bumalik sa bansa ang adting mambabatas nang dahil sa mga banta sa kaniyang seguridad.
Matatandaan ding si Teves ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa multiple muder, frustrated murder, at attempted murder charges na may kaugnayan sa pamamaslang kay Degamo at iba pang mga indibidwal.