ILOILO CITY-Muli na namang isasagawa ang bloodletting activity na Dugong Bombo sa Iloilo.
Ito ay gaganapin sa Alimodian, Iloilo sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng nasabing bayan, Philippine Red Cross at Western Visayas Medical Center (WVMC) blood bank.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Alimodian, Iloilo Mayor Gefree ‘Calay’ Alonsabe,sinabi nito na labis ang kanyang kagalakan para sa nasabing aktibidad dahil malaking tulong ito para sa mga nangangailangan ng dugo.
Ayon kay Alonsabe, gaganapin ito sa covered gym sa Alimodian Central Elementary School.
Umaasa naman ang alkalde na marami ang makikibahagi at magdodonate ng dugo.
Ilan sa mga organisasyon na nangakong makikibahagi sa Dugong Bombo ay ang Highest International Police Commission kung saan ayon kay Helen Montinola, pinuno ng organisasyon, 10 sa kanilang mga myembro ang magdodonate ng dugo.
Sasama rin sa aktibidad ang Liga nga mga Barangay, Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan, Rural Health Unit , Local Government Unit, Philippine Red Cross kag Western Visayas Medical Center (WVMC) blood bank.